Maliban sa mga awiting-bayan, ang mga bulong ay isa pang yaman ng ating katutubong panitikang pasalindila. Magpahanggang ngayon, ang bulong ay ginagamit pa rin ng marami nating kababayan sa pagpapasintabi kapag napaparaan sa tapat ng isang nuno sa punso, sa kagubatan, sa tabing-ilog, at sa iba pang lugar na pinaniniwalaang tirahan ng mga engkanto, lamang-lupa, o maligno. Binibigkas ang bulong para mabigyang-babala ang mga “nilalang na hindi nakikita” na may daraan para maiwasang sila’y matapakan o masaktan.
Pinaniniwalaan kasing kapag hindi sinasadyang nasaktan ang mga “nilalang” na ito ay maaari siláng magalit, manakit, o magdulot ng hindi maipaliwanag na karamdaman. Gumagamit din ng bulong ang mga albularyo sa kanilang panggagamot.
May mga bulong ding inuusal sa panggagamot tulad ng ginagawa ng isang magtatawas sa napaglaruan ng lamang-lupa o namamaligno o kaya’y sa mga nakukulam.
Ito’y ginagamit ding pananggalang sa lahat ng lihim na kaaway, gayundin kapag ang isang tao ay nadudulutan ng sama ng loob ng kapuwa. Sa ganitong layon ng paggamit ng bulong, hindi maganda ang idinudulot nito sa taong pinaggamitan nito.
Ginagamit ding pansumpa ang mga bulong. Ang ganitong mga bulong ay hindi madaling malaman, ito’y lihim na karunungan na isinasalin o itinuturo lamang sa mga napipili at karapat-dapat sapagkat kung hindi marunong gumamit ang napagsalinan, ito’y nawawalan ng bisa at ang nagsalin ay napapasama.
May bulong na binibigkas sa pagtatawas para gumaling ang isang nausog, sumakit ang tiyan, at iba pa. May bulong din para sa panggagamot sa isang taong maaaring nakulam, namaligno, o napaglaruan ng lamang-lupa. Sa iba’t ibang bahagi ng bansa kasáma na ang Kabisayaan ay laganap pa rin ang paggamit ng mga bulong. Mababasa sa ibaba ang halimbawa ng bulong.
Mga Halimbawa ng Bulong
- Tabi, tabi po, ingkong.
- Makikiraan po.
- Mano po.
- Paabot po.
- Paalam.
- Ingat lagi.
- Tabi tabi po apo, alisin mo po ang sakit ng pamilya ko
- Lumayo kayo, umalis kayo, at baka mabangga kayo
- Huwang kayong maiinggit, nang hindi kayo magipit
- Lumakas-sana sana ang ulan, upang mabasa ang lupang tigang.
- Pagaling ka, amang, mahirap ang may karamdaman
- Huwag mananakit nang di ka rin mamilipit
- Huwag manununtok nang di ka rin masapok
- Ingat po sa biyahe.
- Pakabait ka.
- Pagpalain ka nawa.
- Kung lagi kang payapa, sakit mo’y di lulubha.
- Puso’y sumusulak, sa praning ang utak
- Pwera usog, pwera bales