-
Ang mga Bulong
Maliban sa mga awiting-bayan, ang mga bulong ay isa pang yaman ng ating katutubong panitikang pasalindila. Magpahanggang ngayon, ang bulong ay ginagamit pa rin ng marami nating kababayan sa pagpapasintabi kapag napaparaan sa tapat ng isang nuno sa punso, sa kagubatan, sa tabing-ilog, at sa iba pang lugar na pinaniniwalaang tirahan ng mga engkanto, lamang-lupa,…