10 Amazing Facts Tungkol sa mga Bansa sa Silangang Asya

Japan

Ang bansang Hapon ay tinagutiang “Lupain kung saan Sumisikat ang Araw” Nangunguna ang bansang ito pagdating sa makabagong teknolohiya. Maunlad at mayaman ang kanilang ekonomiya, may mababang bilang ng krimen. Karamihan sa mga isla rito ay nasa dagat Pasipiko. Marami ring kahanga-hangang tanawin at mga pasyalan. Ang kultura ng mga Hapon ay talaga naming kahanga-hanga at naiiba sa ibang kultura at sinasabing ang mga tao rito ay natural na palakaibigan.

  1. Ang mga Hapones ay mayroong pinakamahabang buhay sa mundo. Sinasabing ang karaniwang edad na inaabot nila ay 83 taong gulang. Ang Okinawa binansagang “Lupain ng mga Immortal” Sa maraming taon, may mga mananaliksik na pinag-aralan kung ano ang sikreto ng pagkakaroon ng mahabang buhay at kanilang natuklasan na ito ay dahil sa kanilang mga kinakain at diet.
  2. Mas maraming matandang populasyon kaysa batang populasyon.
  3. Mga Hapon ang nakaimbento sa larong Sumo Wrestling. Ang mga nais maging sumo wrestler ay kailangang sumunod sa mahigpit na tradisyon at kailangang manirahan at magsanay sa isang lugar na tinatawag na heya.
  4. Ang sushi at sashimi ay isang tradisyunal na pagkain sa bansang Hapon na lumagap na rin at tinatangkilik sa iba’t ibang panig ng mundo.
  5. Ang bansang Hapon ay mayroong pinakamaikling Pambansang awit. Ang pamagat nito ay “Kimigayo” mayroong apat na linya na ang ibig sabihin ay  “His Imperial Majesty Reign” Sinasabing noong 794-1185 pa ito naisulat.
  6. Ang bansang Hapon ay madalas na daanan ng iba’t ibang uri ng kalamidad.
  7. Sa bansang ito matatagpuan ang pinakamalaki at malawak na pamilihan ng mga sariwang isda.
  8. Mayroong iba’t ibang hugis ng pakwan ang matatagpuan sa bansang ito.
  9. Kahit saang dako ay maaari kang makakita ng iba’t ibang vending machine.
  10. Sa batang edad pa lamang tinuturuan ng maging responsable ang mga Hapones sa paglilinis. Maging sa mga paaralan ang mga mag-aaral ang naglilinis ng kanikanilang mga silid-aralan maging ang palikuran.

Source: https://www.worldatlas.com/articles/top-10-interesting-facts-about-japan.html

South Korea

  1. 20% ng mga apelyido ng Koreano ay Kim, Lee at Park.
  2. Mataas ang bilang ng mga taong nagpapa-plastic surgery sa South Korea. Ang pagpapalagay ng talukap ng pilik mata ang pinakakaraniwang ipinapagawa nila.
  3. Sa Edad na 21-24 na taong gulang kailangang pumasok sa pagmimilitary ng mga lalaking Koreano kahit na sila ay artista o may mataas na katayuan sa lipunan.
  4. Noong 2018 ay ginanap sa Pyeongchang, South Korea ang Winter Olympics.
  5. Mayroong 200 iba’t ibang uri ng Kimchi sa Korea.
  6. 90% ng gumagamit o kumakain ng sea weeds ay nasa Korea.
  7. 63% ng Korea ay nababalutan ang kagubatan.
  8. Ang pinakamataas na gusali sa Korea ay ang Lotte World Tower na matatagpuan sa Seoul.
  9. Ang K-pop at K-drama ay may malaking tulong sa paglago ng ekonomiya ng South Korea.
  10. Teakwondo ang isa sa pinakapopular na laro sa South Korea.

Source: https://snackfever.com/blogs/magazine/25-fun-facts-about-korea

North Korea

  1. Mayroon lamang 15 uri ng gupit sa buhok na maaari sa North Korea.
  2. Dito matatagpuan ang isa sa pinakamalaking stadium sa buong mundo.
  3. Ang pagpaparusa sa nagkasala ay umaabot hanggang sa ikatlong henrasyon.
  4. Tinatayang mayroong 1.2 milyong sundalong military ang North Korea.
  5. Bumili si Kim-Il Sung ng 1,000 Volvo na sasakyan mula sa Sweden ngunit ito ay hindi niya binayaran.
  6. Mayroon lamang 3 tsanel na maaaring mapanood sa telebisyon.
  7. Ang mga kababaihan sa North Korea ay bahagi rin ng mga sundalong military.
  8. Ang mga dumi ng tao ay din ginagamit bilang pataba sa lupa ng mga magsasaka.
  9. Ang lungsod ng Pyongyang ay para lamang sa mayayaman at matataas na tao sa lipunan.
  10. Ang kasalukuyang pinuno ng North Korea na si Kim Jong Un ay apo ni Kim-Il Sung.

Source: https://www.swedishnomad.com/facts-about-north-korea

Taiwan

  1. Ang opisyal na pangalan ng Taiwan ay Republic of China.
  2. Taiwanese Hokkien ang pangunahing wika na kanilang sinasalita at Mandarin naman ang opisyal na wika.
  3. Baseball ang pinakasikat na laro sa Taiwan.
  4. Ang kauna-unahang babaeng nakatanggap ng Nobel Peace Prize ay si Lu Hsui-lein mula sa  Taiwan.
  5. Jade Mountain o Mount Yu ang pinakamataas na bundok sa Taiwan.
  6. Mababa ang bilang ng mga taong mahirap sa Taiwan at sila naman ang may pinakamataas na bilang ng mga nagrerecycle sa buong mundo.
  7. Ang tatlong kulay sa watawat ng Taiwan ay sumisimbolo sa pagkakaisa (pula), Kalayaan (asul) demokrasya at pagkakapantay-pantay (puti)
  8. Para sa mga Taiwanese ang kulay puti ay sumisimbolo sa kamatayan.
  9. Ang mga trak na nangongolekta ng basura ay may musika.
  10. Sa kahit saang sulok o kanto ay makakakita ka ng 7-Eleven.

Source: http://www.10-facts-about.com, https://www.worldatlas.com/articles/10-interesting-and-unique-facts-about-taiwan.html,

China

  1. Inaabot ng 15 araw ang pagdiriwang ng mga Chinese sa Chineses New Year.
  2. Ang mga sinaunang sundalo ay nagsusuot ng pananggalang na yari sa papel.
  3. Kapag pinagdikit-dikit ang lahat ng riles sa China ay para mo na ring naikot ang mundo ng dalawang beses.
  4. 5,000 taon na ang nakararaan ng maimbento ang chopsticks at sinasabing inimbento ito para sa pagluluto at hindi para sa pagkain.
  5. Ang laki ng kalupaan ng China ay kasing laki ng sa kontinente ng Estados Unidos ngunit ang China ay gumagamit ng isang time zone samantalang ang Estados Unidos naman ay apat.
  6. Mandarin ang pinakasinasalitang wika sa buong mundo.
  7. Ang mga panda ay mahusay lumangooy.
  8. Ang salitang ketchup ay mula sa China.
  9. Ang mga babaeng ikakasal ay karaniwang nagsusuot ng pula sapagkat para sa kanila ito ay swerte.
  10. Ang Terracotta Army ay binuo sa loob ng 37 taon. Ito ay binubuo ng 8,000 estatwa na gawa sa puti. Nilikha ito upang maging bantay ng labi ni Emperador Xi’an.

Source: https://www.natgeokids.com/nz/discover/geography/countries/30-cool-facts-about-china/

Mongolia

  1. Ang Mongolia ay pang labing walo sa pinakamalaking bansa sa mundo.
  2. 30% ng mga naninirahan sa Mongolia ay nomad.
  3. 59% ng populasyon ng Mongolia ay may edad 30 pababa.
  4. Gatas ng kabayo ang pangunahing inumin ng mga Mongolian.
  5. Ang emperyo ng Mongolia ang pinakamalaki sa buong mundo.
  6. Sinubukang sakupin ng Mongolia ang Japan at Vietnam.
  7. Ang ibigsabihin ng Ulaanbaatar na kapitolyo ng Mongolia ay “Red Hero”
  8. Genghis Khan ay isang posisyon ay hindi pangalan.
  9. Ang libingan ni Genghis Khan ay isa pa ring misteryo hanggang sa kasalukuyan.
  10. Tumagal sa isang daang taon o ika-13 hanggang ika-14 na siglo ang emperyo ni Genghis Khan.

Kaugnay na Paksa: https://youtu.be/U0lnjW8TqyM?si=xKPG2CXPhBVmdpFn