Si Julian Cruz Balmaceda ay itinuturing na isa sa mga haligi ng panitikang Pilipino dahil sa malaking kontribusyon niya sa sariling panitikan. Siya ay isang makata, mandudula, kuwentista, mangangatha, nobelista at mananaliksik-wika. Naging patnugot siya ng Surian ng Wikang Pambansa.
- Isinilang siyá noong 28 Enero 1885 sa Udyong, Bataan kina Regino Cruz Balmaseda kanyang ama at Simeona Francisco ng Bacoor, Cavite kanyang ina.
- Nag-aral siyá sa isang pribadong paaralan ni Procopio Lazaro at sa Escuela de Latinidad ni Hipolito Magsalin.
- Nakapagtapos siya ng sekundarya sa Cavite at kumuha ng mga kurso sa Colegio de San Juan de Letran at Escuela de Derecho.
- Naging bantog na makata, mandudula, nobelista, dalubwika, iskolar, at kritiko. Isa siyá sa mga tagapagtatag ng organisasyong pampanitikan na Aklatang Bayan at ang naging ikalawang pangulo nitó. Ang kaniyang saliksik sa panulaang Tagalog na pinamagatang Ang Tatlong Panahon ng Tulang Tagalog noong 1938 ay itinuturing na klasiko.
- Isinulat niya ang una niyang dula, Ang Buhay ni Cordente o Ang Sugat ng Puso noong 1899. Ang ilan pang dula na naisulat niya ay Sapote (1906), Lunas at Lakas (1908), Tikbalang (1908), Ang Budhi ng Manggagawa (1913) na ginawang Sigaw ng Katotohanan (1917), Sa Bunganga ng Pating (1921), Dahil sa Anak.
- Naglathala din siya ng mga maikling kuwento na gaya ng “Hindi Ka Na Alipin,” “Ang Hampas-Lupa,” “Ang Palakol na Ginto,” at “Ang Paraisong Nawawala” at mga nobela na Ang Tahanang Walang Ilaw (1928–1929), Ang Taong Labas (1912).