Talasalitaan:
- Bugtong- nag-iisa
- Ganid –sakim
- Kawaksi – katulong
- Magsing-irog – magkasintahan
- Nagkubli – nagtago
Pangunahing Tauhan sa Kabanata
- Kapitan Tiyago
- Pia Alba
- Don Rafael Ibarra
Buod ng Kabanata
Si Kapitan Tiyago, nag iisang anak ng nego syante ng asukal sa Malabon, humigit kumulang tatlumpu’t limang taong gulang ay kahit hindi nakapag-aral ay naturuan naman ng dominikong pari.
Nang namayapa ang kaniyang ama’y ipinagpatuloy niya ang negosyo at nakilala si Pia Alba na nakatira sa Sta. Cruz at nagpakasal. Kabilang sila sa mataas na antas ng lipunan.
Si Kapitan Tiyago ay makisig, moreno at pandak na may bilugang mukha. Pumangit dahil sa pagngan ganga at tabako.
Naninilbihan bilang gober nadorcillo. Ang pagsawalang bahala sa pang-aalipusta ng mga kastila sa mga Pilipino ay kasama sa kaniyang tungkulin.
Tingin niya’y Kastila siya at Indio naman ang turing niya sa kap wa niyang Pilipino. Mataas ang pag tingin niya sa mga Kastila.
Kaibigan ng Kapitan ang lahat ng makapangyarihang, lalo ang mga kaparian. Kaya kasama lagi sa padasal upang bilhin ang langit.
Ang mapusuan nitong santo ay nagagawa niyang bilhin. Punong-puno nito ang kaniyang silid, kasama ang larawan ng banal na pamilya.
Malaki ang kakayahang bumili ni Kapitan Tiyago dahil sa kaniyang negosyo. Tulad ng pagbili niya ng lupain sa San Diego. Dahil dito ay kaniyang nakilala ang Kurang si Pa dre Damaso at ang pinakamayaman sa bayang iyon na si Don Rafael.
Sa anim na taong pagiging g mag-asawa ni Kapitan Tiyago at Pia Alba ay hindi ito magkaanak, kaya sila tay namamanata sa kung ano-anong santo ayon na payo ni Padre Damaso.
Makalipas ang sandaling panahon ay nagkaanak si Pia Alba na di alam ni Kapitan Tiyago ay dahil sa paghalay ni Padre Damaso kay Pia Alba.
Namatay si Pia Alba matapos manganak sapagkat naging sakitin ito noong buntis. Maria Clara ang ipinangalan sa anak na binusog ng mga pari at ni Kapitan Tiyago ng pagmamahal.
Naging magkababata si Crisostomo Ibarra at Maria Clara. Sa pagpupumilit ng mga pari ay ipinasok si Maria Clara sa kumbento ng Sta. Catalina nang maging katorse anyos samantalang si Ibarra ay nagpuntang Europa para mag-aral ng medisina.
Nagkasundo si Don Rafael at Kapitan na ikasal sina Crisostomo at Maria Clara, at wala namang tumanggi sapagkat nag-iibigan din sila.
Mensahe at Implikasyon ng Kabanata
Sa akdang tinalakay ay iyong nasaksihan kung paanong ginamit ni Kapitan Tiago ang kanyang kapangyarihan at kayamanan upang makuha niya angsuporta ng pamahalaan. Nagreregalo siya ng hamon, baboy, pabo, prutas mula sa Tsina sa mga kawani ng pamahalaan kaya naman maging ang pinakamababang pinuno ng ano mang opisina ay sinusunod siya. Sa kasalukuyan, laganap pa rin sa ating bansa ang ganitong uri ng anomalya sa pamahalaan na tinatawag na panunuhol o bribery.