TALASALITAAN:
- nakapanluksa – kasuotan na nagpapakita nang pagdadalamhati
- kariton – Sasakyáng pambukid na may dalawang mabibigat na gulóng na karaniwang hinihila ng kalabaw o báka.
- biyenan – ama o ina ng asawa
- pagpipintas – Pag-uukol ng mga pangungusap na pumupuna sa mga bagay na hindi nagugustuhan sa kapuwa.
- pastol – Tagapag-alaga ng mga hayop na katulad ng kalabaw, báka, kabayo, at iba pang kauri.
- igapos – Pagkakatali ng kamay, paa, o katawan sa pamamagitan ng anumang nakapalupot dito.
MGA PANGUNAHING TAUHAN SA KABANATA:
- Mga NadakiP
- Crisostomo Ibarra
- Mga Kaanak ng Nadakip
BUOD NG KABANATA
Hindi mapakali ang mga pamilya ng mga bilanggo at pabalik-balik ang mga ito sa kumbento, kuwartel at tribunal dahil wala silang makakapitang makatutulong sa kanila upang mapalaya ang kanilang mga kaanak. Ayaw naman makipag-usap ng kura noon dahil siya ay may sakit. Nagdagdag naman ng bantay ang alperes at lalong nawalan ng silbi ang kapitan.
Mayroong isang babae na isinisisi kay Ibarra ang nangyari. kasama rin ng mga tao ang guro habang si Nol Juan ay nakapanluksang damit dahil ipinalagay niyang wala nang kaligtasan si Ibarra.
Malapit na ang ikalawa ng hapon noong dumating ang kariton na hila-hila ng isang baka. Balak na sirain at kalagan ng mga pamilya ng bilanggo ang hayop ngunit pinag bawalan ito ni Kapitana Maria at ilang saglit pa’y lumabas ang maraming kawal at pinaligiran ang kariton at inilabas ang mga bilanggo sa pangunguna ni Don Filipo. Nang yakapin siya ng asawa ay agad itong pinigilan ng dalawang sibil. Napaiyak si Kapitana Tinay ng makita si Antonio at ganoon din si Andong ng makita ang biyenan.
Lumabas si Albano at ang kambal ni Kapitana Maria ng nakagapos samantalang si Ibarra ay wala. Doon nagsimula ang pagpipintas na kung sino pa ang may sala ay siya pa itong walang tali. Dahil dito, hiniling na lamang ni Ibarra sa sibil na siya’y igapos hanggang siko. Pagtapos ay makikita ang alperes na nakakabayo na may kasunod na labinlimang alalay na mga kawal. Walang tumatawag kay Ibarra sa halip ay puro sisi at pagtawag ng duwag ang naririnig patungo sa kaniya. Lumala ang pagbibintang ng mga tao hanggang sa tawagin siyang erehe na dapat nang bitayin. Kasunod nito ay pinagbabato ng mga tao si Ibarra.
Kahit na nasa malubhang ka lagayan si Ibarra ay walang dumamay sa kaniya. Dito nadama ni Ibarra na nawalan siya ng inang-bayan, pag ibig, kaibigan at tahanan.
Si Pilosopo Tasyo naman ay nasa mataas na lugar, nagmamasid habang nakabalabal ng makapal na kumot, sinundan ng tingin ang kari ton kung saan naroroon ang bilanggo at nagpasiyang umuwi. Kinabukasan ay natagpuan na lamang ng isang pastol ang Piloso pong nakahandusay sa kaniyang bahay.
MENSAHE AT IMPLIKASYON
- Nakalulungkot isipin na karamihan sa nadakip sa kaguluhan ay wala naman talagang kinalaman. Minsan ang maling paggamit ng kapangyarihan ay maaaring magdala ng kapahamakan sa iba.
- Ang mga kaanak ng nadakip sa kabanatang ito ay ibinato ang lahat nang sisi kay Crisostomo kahit na hindi pa naman talaga napatunayang siya talaga ang may kasalanan.
- Sa kasalukuyan ay laganap pa rin ang mga ganitong pangyayari lalo na sa social media kung saan ang mga tao ay nagbibigay ng mga komentong walang pinagbasihan. Ang mga ganitong gawain ay maaaring mas magpadiin sa isang akusado. Kailangang maging resposable ang bawat isa sa kanilang ginagawang panghuhusga sapagkat maaaring bumalik din ito sa kanila.
- Si Crisostomo ay hindi na napigilan ang kanyang sariling maawa sa sarili at lumuha. Tila wala na siyang kakampi sa kanyang bayan, tila ang lahat ay tinalikuran na siya sa kabila nang maganda sana niyang ipinaplano para sa San Diego.