Noli Me Tangere Kabanata 31: Ang Sermon

TALASALITAAN

  • magkatipan – magkasintahan
  • walang pakundangan – hindi nagpapakita ng paggalang
  • tinuligsa – pangmadlang pagpuna sa isang tao at sa ginagawâ nitó
  • sermon – sermon: pahayag na may layong magturò o mangaral; misa
  • patutsada – pagpaparinig na nambabatikos

MGA PANGUNAHING TAUHAN SA KABANATA

  • Padre Damaso
  • Maria Clara
  • Crisostomo Ibarra
  • Elias
  • Padre Salvi

BUOD NG KABANATA 31 ANG SERMON

Nagsimula ng magsermon si Padre Damaso sa paraan ng wikang Kastila at Tagalog na nagmula sa Bibliya.

Ang nilalaman ng kanyang sermon ay tungkol sa kanyang pag pupuri sa mga santo, ang patulad kay Haring David, ang mapagwaging si Gideon at ang isang tapat na mananampalataya na si Roldan.

Ngunit, kasama sa kanyang sermon ang panlilibak ng pari katu lad niya sa mga Pilipino. Ito’y binigkas niya sa wikang Kastila kaya naman walang kaalam-alam ang mga Pili pino sa ibig sabihin ng kanyang mga tinuran. Nagpatutsada rin ang pari sa mga taong hindi nya nagugustuhan upang ipahiya ito sa karamihan.

Inantok ang mga tao na nakikinig kay Padre Damaso dahil nga hindi nila maintindihan ang pinag sasabi ng pari.

Palihim namang nagtitingi nan ang magkatipan na sina Maria Clara at Ibarra. Sa wakas ay sinimulan na ng pari ang kanyang sermon sa wikang Tagalog.

Habang siya’y nagsesermon ay walang pakundangan niyang pinatamaan sa Ibarra, ito’y kanyang tinuligsa. Kahit na hindi niya pinangalanan kung sino ang kanyang tinutukoy ay halata naman na ang binata ang kanyang pinapatamaan.

Hindi natuwa ang kasalukuyang kura paroko na si Padre Salvi kaya naman nagpakuliling na ito, hudyat para tapusin na ni Damaso ang kanyang sermon.

Tila nagbingi-bingihan ang pari kaya naman nagpatuloy lang ito sa kanyang sermon na umabot sa kalahating oras.

Samantala, sa loob ng simbahan ay patagong nakalapit si Elias kay Ibarra at sinabihan niya itong mag-ingat na huwag lalapit sa bato dahil ibabaon ito sa hukay na maaring maging sanhi ng kanyang kamatayan.

Walang nakapansin na kahit kanino sa pagdating ni Elias, pati na sa kanyang pag-alis.

ALAM MO BA?

  • Sa Bibliya sinabi ng Panginoon ang tungkol sa Gawa 2:4, “at silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at nagsimulang magsalita ng iba’t ibang wika ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu.” Maiuugnay ito sa unang bahagi ng kabanata kung saan ay sinabi ni Padre Damaso ang pahayag na “At patnubayan nawa ako ng Banal na Espiritu upang turuan sila…”

MENSAHE AT IMPLIKASYON NG KABANATA

  • Ang kabanatang ito ay nagpapakita pa rin ng iba’t ibang sitwasyon sa loob ng simbahan. Ngunit kasama rin dito ang sermon ni Padre Damaso kung saan gumamit siya ng wikang Espanyol upang manlibak at mamuna ng mga tao. Hindi ito maintindihan ng karamihan dahil hindi sila sanay magsalita ng wikang Espanyol.
  • Bilang alagad ng Diyos hindi katanggap-tanggap ang ginawang pagsesermon ni Padre Damaso sapagkat ito ay puno lamang ng panlalait at pagpaparinig.
Exit mobile version