Noli Me Tangere: Kabanata 10 Ang San Diego

Talasalitaan:

  • Atipan – lagyan ng bubong
  • Nangangalisag – paninindig ng balahibo
  • Simboryo – kampanaryo
  • Taluktok – tuktok
  • Uugoy-ugoy-gagalaw-galaw

Pangunahing Tauhan:

  • Don Rafael, Padre Damaso

Buod ng Kabanata: Ang San Diego

Ang bayan ng San Diego ay malapit sa baybayin at dito ay may matatagpuang malalawak na kabukiran. Ito ay isang maalamat na bayan sa Pilipinas.

Dahil sa kakulangan ng mga Pilipino sa edukasyon at kaalaman sa pagmamay-ari ng negosyo, nalalamangan sila ng mga Intsik. Sa bayang ito ay pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan.

Sa tuktok ng simbahan ay kapansin-pansin ang isang gubat a na naroroon sa kaibuturan ng isang bukirin.

Ang pamamalakad dito ay kaparis ng sa iba ring mga bayan na ang simbahan ang namumuno at sunud-sunuran ang pamahalaan.

Si Padre Damaso ang kura doon bago siya mailipat sa iba dahil sa ginawa niya kay Don Rafael.

Kapwa Kastila at Pilipino ang may mga matataas na posisyon sa bayang yaon. Ayon sa alamat ay may Kastilang dumating sa bayan at matatas ito mag Tagalog at malalim ang mga mata. Ito raw ang bumili sa kagubatan doon at ang perang gin amit niya ay mula sa kaniyang mga ari-arian. At kalaunan ay natagpuan ang matandang iyon na nakabitin sa isang puno ng balete at dahil dito ay natakot pumunta roon ang mga tao. matanda na si Saturnino ay ginawa niya ang kaniyang makakaya na kunin pa ang mga natirang ari-arian ng ama, nakapangasawa siya ng ManileƱo at sa San Diego nanirahan.

Nang magka anak ay pinan galanan itong Don Rafael, na ama ni Crisostomo. Nagustuhan ng mga magsasaka ang pagsisikap ni Don Rafael na naging dahilan para sa dating nayon ng San Diego na maging isang bayan.

Dahil sa kaunlarang natamasa ni Don Rafael, naging dahilan ito ng pagkainggit ng ilan sa kaniyang mga kaibigan.

,