Noli Me Tangere Buong Kabanata 64: Wakas ng Noli Me Tangere

Dahil buhay pa ang marami sa mga tauhan ng nobelang ito at ang iba nama’y nawala na lamang at sukat, kaya hindi sadyang marapat ang pagwawakas. Gayunman ay isasalaysay ito gaya ng  kinaugalian.

          Matapos pumasok sa monasteryo si Maria Clara ay iniwan ni Padre Damaso ang bayan kinadedestinuhan at nanirahan na sa Maynila. Gayundin ang ginawa ni Padre Salvi, at habang hinihintay niya ang pagbaba ng utos para sa bago niyang tungkulin ay malimit siyang magsermon sa kapilya ng monasteryo ng Sta. Clara. May mahalaga siyang posisyon dito. Makalipas ang ilang buwan ay tumanggap ng utos si Padre Damaso mula sa Kataas-taasang Reberendo Padre Probinsiyal. Inililipat siya sa isang parokya sa napakalayong lalawigan. Dinamdam itong labis ni Padre Damaso kaya kinabukasan ay natagpuan siyang patay sa kanyang higaan. May nagsasabing inatake siya sa puso. Ayon naman sa iba ay binangungot siya. Niliwanag ng doctor na tumingin ang lahat ng hinala sa pagsasabing bigla ang pagkamatay ni Padre Damaso.

          Hindi Makikilala si Kapitan Tiago ng dati niyang mga kabatian. Ilang lingo bago magmongha si Maria Clara ay nalungkot siyang totoo. Namayat siya, nanimdim at nagging mapaghinala tulad ng kaibigan niyang si Kapitan Tinong. Pagkapinid na pagkapinid ng pinto ng monasteryo at naiwan doon ang anak ay ipinabalot ang lahat ng damit ni Maria Clara at ng namayapa niyang asawa. Pinauwi sa Malabon o San Diego si Tiya Isabel para doon na manirahan. Nais niyang mapag-isa. Nalulong siya sa baraha at sabong at paghithit ng opium. Hindi na siya sumasama sa mga pilgrimahe sa Antipolo o nagpapamisa. Buong kabanalang ipinagdiwang ng dati niyang karibal na si Don Patricinio ang ganitong tagumpay sa pamamagitan ng paghihilik sa simbahan habang may nagsesermon.

          Kung gabi ay karaniwang makikita si Kapitan Tiago na nakaupo sa isang tindahan ng Intsik sa unang lansangan sa ChinaTown. Payat siya’t naninilaw. Nakukuba na’t may nanlalalim na mga matang tila nangangarap. Maiitim ang kanyang mga labi’t kuko. Tinititigan niya nang hindi naman nakikita ang mga tao. Pagdilim ay dahan-dahan siyang tatayo at nakatungkod na maglalakad sa isang makipot na eskinita at papasok sa bahay na hithitan ng opium. Ito ang kinahinatnan ni Kapitan Tiago na ganao nang nalimot ng lahat pati na ng mga sacristan mayor.

Si Donya Victorinang hindi nasisiyahan sa artipisyal niyang kulot at puntong-Timog ay nahilig sa pagpapatakbo ng karwahe habang katabi si Don Tirbucio. Madalas siyang maaksidente dahil sa kalabuan ng mata, kaya’t nagsalamin siya subalit nagging katatakutan. Wala nang muling nagpatingin sa doctor at nakikita siyang bungi ng mga katulong – isang napakasamang tandang nakikita halos araw-araw.

Si Linares na tanging tagapagtanggol ng doctor ay malaon nang namatay. Biktima siya ng disenterya at maling panggamot ng kanyang pinsan.

Ang matagumpay na komandante ay bumalik sa Espanya bilang probinsyunal na medyor. Iniwan niya ang kanyang asawang nakapranelang ang kulay ay di mailarawan. Ang kaawa-awang babaeng pinabayaan ng asawa tulad ni Ariadne sa mitolohiya ng Griyego ay nalulong sa paglalasing at pananabako. Pinagkatakutan tuloy siya ng mga dalaga, matanda, at bata.

Ang mga tauhan sa San Diego ay buhay pa rin marahil, kahit man lamang ang hindi nangamatay habang nagtatrabaho sa sumabog na bapor Lipa. Walang nabahalang kilalanin ang pobreng mga biktima ng kalamidad na iyon noong 1883. Walang nagmalasakit na pagbukod-bukurin ang mga kamay at pang nakakalat sa buong Pulo ng Convalensce sa labas ng Maynila na malapit sa pampang ng Ilog Pasig. Samantala, ang pamahalaan at ang pahayagan noon ay kontento, at dapat na maging gayundin ang lahat, nang matiyak na nakaligtas ang nag-iisang prayleng sakay ng bapor. Sapagkat, kung tutuosin ay higit na mahalaga ang buhay ng mga banal para sa kagalingan ng mga kaluluwa.

Ang tanging balita’y patay na si Maria Clara. Walang masabi ang maiimpluwensiyang tao sa monasteryo ng Sta. Clara tungkol sa kanya, kahit na ang pinakamatabil na patronang palaging nakapaparte sa putaheng piniritong atay ng manok at sa balitang sarsa a la Probre Clares na luto ng mga mongha sa monasteryo.

Ngunit, may kumalat na balita isang gabi ng Setyembre, nang nilindol ng malakas na bagyo ang mga bahay sa Maynila. Sa saliw ng dumadagundong na kulog ay inilantad ng kidlat ang mga sinalanta ng bagyo na naghatid ng sindak sa mga tagalunsod. Inilantad pati ng gumuguhit na kidlat ang panulok ng bubong na binagsakan ng panangga ng bintana na kakila-kilabot ang ingay na nilikha. Walang karwahe o tao sa mga lansangan. Nang umalpas sa kalawakan ang malalakas at magkakasunod na dagundong ng kulog ay maririnig ang humahagibis na hanging naghampas sa bumubuhos na ulan sa nakasarang mga dahon ng bintana.

Nang gabing iyon ay dalawang guwardiya ang sumilong sa isang ginagawang gusali na malapit sa monasteryo: karaniwang sundalo ang isa, may dugong maharlika ang isa pa.

“Ano ang ginahawa natin ditto?” tanong ng sundalo. “Walang katao-tao sa mga daan. Kailangang umuwi tayo ng bahay. Malapit ditto ang tirahan ng nobya ko.”

“Malayo-layo rin iyon mula rito at mababasa tayo,” tutol ng may dugong maharlika.

“Basta ba’t hindi tayo tamaan ng kidlat.”

“O, hindi ka dapat mag-alala, may mga panangga sa kidlat ang mga mongha.”

“Talaga? Sigurado ka bang nakabubuti iyon?”

Habang sinisipat niya ang bubong ng monasteryo sa gitna ng kadiliman ay gumuhit ang isang mahabang kidlat na sinundan ng nakatutulig na kulog.

“O, Mahal na Ina, Hesus, Maria, Husep!” sigaw ng sundalong nagkukrus at kumapit sa kasama. “Umalis na tayo rito!”

“Ano ba’ng nangyayari sa’yo?”

“Tena na, umalis na tayo rito,” ulit na wika ng sundalo na nagtatagis ang mga ngipin sa takot.

“Ano ba ‘yon?”

“Nakakita ako ng multo!” nanginginig niyang bulong.

“Multo?”

“Sa bubong!”

Tumingala ang may dugong maharlika. Gusto rin niya iyong Makita. Gumuhit na muli ang kidlat sa kalangitan at sinundan ng nakabibinging pagkulog.

“Hesus!” sabi niyang nagkukrus.

Totoong sa tulong ng liwanag ng kidlat ay nakita niya ang putting kaanyuan ng nakatayo halos sa gilid ng bubong ng monasteryo. Nakadipa habang nakatingalang tila nagmamakaawa na sinasagot naman ng langit ng pagkulog at pagkidlat.

Nang maghari ang katahimikan matapos ang pagkulog ay isang nakalulunos na daing ang narinig.

“Hindi iyon gawa ng hangin, kundi ng multo!” bulong ng sundalo nang pisilin ng kasama ang kanyang palad.

Lumutang sa kawalang ang pagdaing na hindi nadaig ng mga patak ng ulan at ni ng humahagibis na ihip ng hangin.

Isa pang nakasisilaw na kidlat ang lumatay sa kalangitan.

“Hindi, hindi iyon multo!” bulalas ng maharlika. “Nakita ko siya uli. Maganda siyang tulad ng Birhen. Tena’t iulat natin sa maykapangyarihan.”

Hindi na hinintay ng sundalo ang muling pagyaya ng kasama at noon din ay kapwa sila naglaho sa karimlan ng gabi.

Sino ang namimighating iyon sa dilim ng gabi, sa gitna ng malakas na paghangin, ulan at bagyo? Sino ang mahiyaing birheng asawa ni Kristo na hindi ininda ang nagngangalit na bagyo at pinili ang kakila-kilabot na gabi, ang kalawakan, at ang panganib ng mataas na bubong upang manalangin sa Panginoon? Itinakwil na ba ng Diyos ang kapilya ng monasteryo? Bingi na ba Siya sa mga panalangin? Pinagbawalan na ba ng mga silid ng monasteryo ang kaluluwang yaon sa pagdulog sa trono ng Lalong Maawain?

Magdamag na nagnagalit ang bagyo. Gabi itong walang kabitu-bituin sa langit. Nagpatuloy ang nakalulunos na pagdaing na sumasanip sa ihip ng hangin, ngunit di pinakinggan ng kalikasan at ng tao.

Kinabukasan, nang minsan pang sumikat ang araw sa langit at palisin ang maiitim na ulap, isang karwahe ang huminto sa pinto ng monasteryo ng Sta. Clara. Bumaba ang isang ginoo at nagpakilalang kinatawan ng mga maykapangyarihan. Hiniling niyang makaharap ang madre superyora, at makita ang lahat ng mongha.

Isa raw sa mga iyon ang humarap na basing-basa at punit-punit ang kasuotan, at kakila-kilabot ang mga isinalaysay. Nagmakaawa iyon sa ginoo na iligtas siya sa pananalasa ng mga pagbabalatkayo. Napakaganda raw ng monghang iyon at nag-aangkin siya ng pinakamapupungay at buhay na buhay na mga mata.

Hindi minarapat ng kinatawan ng mga maykapangyarihan na proteksiyunan ang nasabing mongha. Matapos ang pakikiharap sa madre superyora ay iniwan siya sa gitna ng pagluha’t pagmamakaawa. Nang lumabas ang kinatawan at ipininid ang pinto ng monasteryo ay parang nakita ng monghang ipininid ang pinto ng monasteryo ay parang nakita ng monghang ipininid ang pinto ng Langit sa mga isinumpa, kung malupit nga’t manhid ang Langit na tulad ng tao. Ipinaliwanag ng madre superyora na nababaliw ang mongha.

Marahil ay hindi batid ng ginoo na may pagamutan ng mga baliw sa Maynila, o baka inakala niyang kulungan din ng mga baliw ang monasteryo, bagama’t pinagtalunan kung siya’y ignorante o walang kakayahang humusga kung matino o hindi ang isang tao.

Ang sabi’y iba ang naisip ng kapitan-heneral nang mabalitaan ang gayongg mga pangyayari at tinangka niyang proteksiyunan ang baliw na mongha.

Ngunit ngayon ay wala nang naninimdim na kagandahang pinahintutulutang makaharap ng mga maykapangyarihan. Hindi pinayagan ng madre superyora ang anumang uri ng imbestigasyon sa monastery dahil sa kapangyarihan ng simbahan at ng mga Banal na Batas ng Korporasyon.

Wala nang nabalitaan tungkol doon gayundin sa sawmpalad na si Maria Clara.