Florante
Anak ni Duke Briseo at Princesa Floresca at siyang pangunahing tauhan sa tula. Iniibig niya si Laura
Laura
Ang anak na babae ni Haring Linseo ng Albanya; iniibig ni Florante.
Aladin
Anak ni Sultan Ali-Adab ng Persya, isang moro na nagligtas at tumulong kay Florante.
Flerida
Ang kasintahan ni Aladin na inagaw ng kanyang amang si Sultan Ali-Adab.
Haring Linseo
Siya ang hari ng Albanya, ama ni Laura.
Sultan Ali-Adab
Ang sultan ng Persya, ama ni Aladin.
Prinsesa Floresca
Ina ni Florante, prinsesa ng Krotona.
Duke Briseo
Ang mabuting ama ni Florante. Tagapayo ng haring Linceo.
Adolfo
Ang kalaban ni Florante, tinawag na mapagbalat-kayo; malaki ang galit kay Florante.
Konde Sileno
Ang ama ni Adolfo.
Menalipo
Ang pinsan ni Florante na nagligtas sa kanya noong siya ay sanggol pa lamang mula sa isang ibong arkon.
Menandro
Isang matalik na kaibigan ni Florante, pamangkin ni Antenor; nagligtas kay Florante mula kay Adolfo.
Antenor
Ang guro ni Florante sa Atenas.
Emir
Isang moro/muslim na hindi nagtagumpay sa pagpaslang kay Laura
Heneral Osmalik
Isang heneral ng Persya na lumaban sa Crotona.
Heneral Miramolin
Pinuno ng hukbo mula sa Turkiya.
Heneral Abu Bakr
Heneral ng Persya, nagbantay kay Flerida.