Ating basahin ang isa sa kabanata ng nobela ni Vei Trong Phung na pinamagatang Mga Katulong sa Bahay.
Mga Talasalitaan:
- bahay-kainan: karinderya
- bulyaw: malakas na sigaw
- lagusan: daanan sa pagpasok o paglabas sa isang pook.
- tabla: palapád na piraso ng kahoy mula sa tinistis na troso
- pusali: dinadaluyan ng marumi at maitim na likido o tubig
- nanlilimahid: labis na karumihan
- alingasaw: mabahong amoy
- mabanaag: makita
- opyo: uri ng ipinagbabawal na gamot
- hinihimod: pagtuyo sa pamamagitan ng dila,
- karikitan: ganda, gara
- plaster: pandikit at ipinapahid sa dingding
- nakulimbat: nakaw
- kawanggawa: pagtulong, pagmamalasakit dilihensya: pangungutang, panghihingi
- unos: malakas at mahanging buhos ng ulan hambalang: harang
- nakahimlay: pagtulog nang mahimbing
Mga Tauhan
- Tagapagsalaysay sa Akda Ang saksi sa lahat ng kinahihinatnan ng iba pang mga tauhan.
- Mga Taong Naninirahan sa Lagusan/ bahay-kainan
- Mga Tagaprobinsya na nakipagsapalaran sa syudad sa pag-asang magkaroon ng magandang kinabukasan.
Sipi ng Akda
Mensahe at Implikasyon ng Akda
- Ang akda ay nagpapakita ng makatotohanang sitwasyon sa buhay.
- Ang mga tauhan ay may kanya-kanyang suliraning hinaharap sa kanilang pamumuhay.
- Hanggang sa kasalukuyan ay maraming tagaprobinsyang nakikipagsapalaran sa mga syudad.
- Matutunghayan sa akda, na tunay na mahirap maging mahirap.
- May mga tao ring kumakapit sa patalim maibsan lamang ang gutom.
- May mga taong kahit na nasa hindi magandang sitwasyon ay pinipili pa ring maging positibo.
- Makikita rin sa akda na mayroong mga taong nawawalan ng pera dahil sa pagkalulong sa bisyo.
- Ang buhay ay isang pakikipagsapalaran o paglalakay. Maraming mga pagsubok at paghihirap na pagdadaanan. Hindi magiging madali ang pagtahak sa bawat landas na pipiliin. Nasa tao o indibidwal na lamang ito kung paano niya haharapin. Kung nais magtagumpay ng isang tao dapat na pagsumikapan n’ya ito.