Sa ating pakikipag-usap at maging sa pagsusulat, madalas ay nagpapahayag táyo ng mga posibilidad. Posibilidad ang tawag sa mga pahayag na maaaring magkatotoo subalit hindi pa matiyak o masigurado o may pag-aagam-agam pa táyo. May mga salita o ekspresyong ginagamit sa ganitong pagpapahayag tulad ng:
Baka, maaari, pwede kaya ang, siguro, marahil, sa palagay ko, tila, may posibilidad bang … ,possible kayâng ..
Dahil posibilidad ang inilalahad sa mga ekspresyong ito, ang inaasahang sagot ay maaaring positibo o negatibo depende sa kung maaari nga bang magkatotoo ang bagay na inihahayag o itinatanong.
Halimbawa:
Usapan 1
Lani: Posible kayâng magkaroon ng snow dito sa Pilipinas?
Dona: Hindi posible ‘yan kasi kabilang ang bansa natin sa
may klimang tropikal kaya dalawang uri ng klima lang ang nararanasan natin, ang tag-ulan at ang tag-araw.
Usapan 2
Ding Dong: Posible kayâng umulan mamayang hapon?
Patrick: Malamang ulan nga mamaya. Makulimlim kasi ang himpapawid.
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7