Mga Dapat Tandaan ng Guro sa Filipino sa Paggamit BOW
Bago pa man maging bihasa sa ibang wika dapat maging mahusay muna sa sarili at kinagisnang wika. Minarapat ng Kagawaran na mapadali ang pagtuturo sa Elementarya at Sekundarya kaya nga nagkaroon ng palihan sa Budget of Work. (BOW) ng mga kompetensi na sasapat sa apatnapung (40) araw sa bawat kwarter. Magiging mainam na sandata ng mga guro ang talino, kasanayan at pagpapahalaga upang marating ang layuning edukasyon para sa lahat. Binuo ang programa ng rehiyon sa pagsasama-sama ng mga kompetensing magkakaugnay at maaaring pagsamahin. sang-ayon sa pamamaraang madali patungo sa komplikadong istruktura ng aralin mula sa Unang Antas hanggang Ikasampung Antas, pinag-isipang mabuti ang mga araling sapat at nararapat sa mga batang magaaral. Ang mga guro sa Filipino ay maaaring gawing batayan ito sa paggawa ng kanilang Daily Lesson Plan (DLP) or Daily Lesson Log (DLL).
- Ang mga kasanayan sa pagkatuto ay nakalatag ayon sa mga saklaw na nakasaad sa Filipino Curriculum Guide (FCG) at Teacher’s Guide (TG)at ang mga ito ay masusing hinimay at inisa-isa upang matukoy ang bawat kasanayan sa pagkatuto sa kada lingo at kwarter o yugto.
- Lilinangin ang mga kompetensi ng bawat kwarter sa loob ng apatnapung (40) araw na pagtuturo.
- Pinagsama ang mga enabling at enrichment na kompetensi na magiging madali na sa mga gurong makapagturo sang-ayon sa hinihingi ng panahon.
- Magiging madali para sa mga guro ang pagtuturo dahil sa pagtatalaytay ng mga higit ng kailangang kasanayan na dapat maituro at matutuhan ng mga mag-aaral.
- Mabibigyang pokus ng guro ang higit na mga mahahalagang kompetensi (most essential) sa pamamagitan ng masusi at masining na paghahanda ng mga kagamitang panturo at sa paggamit ng makabagong pamamaraan ng pagtuturo na aakma upang magkaroon ng mabilis na pagkatuto at pag-unawa ang mga mag-aaral na nasa makabagong panahon ng teknolohiya.
- Batay sa MELC, may mga LCs na wala sa markahang kinabibilangan nito. Ang mga ito ay matatagpuan sa ibang markahan at mayroon namang tugma sa nasabing markahan.
- Mapapansin na nawala ang ibang kasanayan sa domains para sa Ikaapat na Markahan na mas malalim na dapat sana ay makuha ng mga bata sa
- Ikalimang baitang ito ay napag-sama-sama ang magkakaugnay na layunin sa PIVOT 4A BOW.
- Mapupuna rin na hindi pare-pareho o pantay- pantay ang bilang ng araw sa kada markahan sa MELC samantalang sa PIVOT 4A BOW ay sukat lahat ng domains at ito ay nagawang matalakay sa PIVOT 4A BOW.
- Sapat na oras at panahon ay mailalaan sa pagganap ng mga natutunang kompetensi ng mga mag-aaral bukod pa sa kaalamang kanilang natutunan na may pagpapahalaga sa sarili, pamayanan at sa Diyos.