Bahagi ng Pananalita: Pangngalan o Noun


Ang pangngalan ay salita o bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook, hayop, at pangyayari. Maaari din na ipakilala ng pangngalan ang isang kaisipan o konsepto. 

  • pangngalang pantangi  (proper noun)
    • Tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, pangyayari, at iba pa. Karaniwang nagsisimula sa malaking titik. (hal. Pilipinas, Panagbenga, Jose Rizal, Laguna, Flores de Mayo)  
  • pangngalang pambalana  (common noun)
    • tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, pook, hayop, bagay, pangyayari, at iba pa. Karaniwang nagsisimula sa maliit na titik. (hal. bansa, korporasyon, pista. bayani, lalawigan, pista) 
  • pangngalang kongkreto/tahas  (concrete noun)
    • pangngalang nahahawakan, nakikita, naamoy, nalalasahan at iba pang nagagamitan ng pandama. (hal., mesa, bahay, papel, bato) 
  • pangngalang halaw/pangngalang di-kongkreto/basal (abstract noun)
    • pangngalang tumutukoy sa kalagayan o kundisyon na nadarama, naiisip, nagugunita o napapangarap. (hal., pag-ibig, kalayaan, kasiyahan, pagmamahal, gutom, kapayapaan)  
  • pangngalang palansak/lansakan (collective noun)
    • pangngalang tumutukoy sa isang kalipunan o karamihan. Maaaring maylapi ito o wala.  (hal., kumpol, hukbo)  
  • pangngalang maylapi (affixed noun)
    • pangngalang binubuo ng salitang-ugat na may panlapi sa unahan, gitna, hulihan o magkabila.  (e.g., tindahan, inihaw)  
  • pangngalang inuulit  (reduplicated noun)
    •  pangngalang inuulit na maaaring may panlapi o salitang-ugat lamang.  (hal., bagay-bagay, sabi-sabi, bali-balita)  
  • pangngalang tambalan (compound noun)
    • pangngalang binubuo ng dalawang salitang magkaiba na pinagsasama upang maging isa at may gitling sa pagitan nito.  (hal., kapitbahay, bukas-palad)  

Exit mobile version