Author: Luna La Escritoria

  • Pangngalan: Gamit, Kasarian at Kaukulan

    Gamit ng Pangngalan (Uses of Noun) Kasarian ng pangngalan (gender of a noun) Masasabing walang partikular na babae o lalaki sa mga pangngalan. Ngunit matutukoy ang kasarian ng pangngalan kapag nilalagyan ng salitang “lalaki” o “babae” bago o pagkatapos ng salitang kinauukulan. Halimbawa: batang babae, batang lalaki, lalaking aso, babaing pusa. Mayroon din namang mga salitang hindi na kailangang lagyan ng mga…

  • Bahagi ng Pananalita: Pangngalan o Noun

    Ang pangngalan ay salita o bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook, hayop, at pangyayari. Maaari din na ipakilala ng pangngalan ang isang kaisipan o konsepto. 

  • El Filibusterismo Kabanata 10: Yaman at Dalita

    Kinabukasan, ipinagtaka ng buong baryo ang paghing ni Simoun ng permiso upang makituloy sa bahay ni Kabesang Tales. Kasama nito ang dalawang utusang may dala ng ilang maletang nababalutan ng lona. Nais nitong paraanin ang buong maghapon sa bahay ng kabesa na nasa pagitan ng San Diego at Tiani sa pag-asang manggagaling doon ang maraming…

  • El Filibusterismo Kabanata 9: Mga Pilato

    Nang makarating sa bayan ang kasawiang iyon, nahabag ang ilan at nagkibit-balikat naman ang iba. Walang kasalanan ang sino man at wala ring sinurot ang budhi sa mga ito. Hindi man lamang nabalisa ang tenyente ng gwardya sibil: ang tungkulin nito ay samsamin ang mga sandata at tugisin ang mga tulisan. Kaya nang dukutin si…

  • El Filibusterismo Kabanata 8: Maligayang Pasko

    Nang magising si Juli ay madilim pa at nagtitilaukan ang mga tandang. Naisip niyang ginawa nang Birhen ang himala. Bumangon siya, nag-antanda, umusal ng pang-umagang panalangin, at walang ingay na lumabas ng kanyang silid. Walang nangyaring himala! Ang tangi niyang nakita sa paanan ng Birhen ay ang sulat ng kanyang ama na humihinging limandaang pisong…

  • El Filibusterismo Kabanata 7: Si Simoun

    Pabalik na sa bayan si Basilio nang marinig niya ang lagitik ng mga sanga’t kaluskos ng mga dahon sa gubat. Palakas nang palakas ang mga yabag na papalapit sa kanyang kinaroroonan. Kumabog ang kanyang dibdib nang magunita ang matandang alamat tungkol sa lugar na iyon, pinatindi pa iyon ng oras at dilim, ng sipol ng…

  • El Filibusterismo Kabanata 6: Si Basilio

    Inihudyat ng mga kampana ang misa sa hatinggabi nang palihim na nagtungo si Basilio sa gubat ng mga Ibarra na ngayo’y pag-aari na ni Kapitan Tiago. Paliit na ang buwan, ngunit hindi nakahadlang ang dilim upang marating niya ang luma’t sira-sirang moog na may isang malaking balete sa gitna nito. Huminto siya sa tapat ng…

  • El Filibusterismo Kabanata 5: Noche Buena ng Isang Kutsero

    Lumilibot na ang prusisyong pang-Noche Buena nang dumating si Basilio sa San Diego. Naantala siya nang maraming oras dahil pinigil ng mga gwardya sibil ang kutsero na walang dalang sedula, kinulata pa ito at iniharap sa komandante sa kwartel. Huminto na naman ang karomata, nag-alis ng sumbrero ang kutsero bilang paggalang, saka nagdasal ng isang…

  • El Filibusterismo: Kabanata 4 Si Kabesang Tales

    Si Tandang Selo ay isang mangangahoy na nakatira sa pusod ng gubat. Puti na ang kanyang buhok, ngunit napanatiling malusog ang pangangatawan. Hindi na siya nangangaso o namumutol ng mga kahoy dahil sa bumuti na ang kanyang kabuhayan. Gumagawa na lamang siya ngayon ng walis. Kasamá sa lupain ng kapitalista ang anak niyang si Telesforo,…

  • El Filibusterismo Kabanata 3: Mga Alamat

    Nang batiin ni Padre Florentino ang mga nagtitipon sa kubyerta, tapos na ang inisang bunga ng mainitang pagtatalo. Nagtatawanan at nagbibiruan na ang mga ito, kasama pati ang payat na Pransiskanong si Padre Salvi. Inusal ni Padre Sibyla ang kasamaan ng panahon ngunit kinantyawan ang Bise-Rektor ng kanonigong si Padre Irene dahil sa mabuting pangangalakal…