Ano-ano ang mga Tunggalian sa Isang Panitikan?


Ang tunggalian ang nagbibigay kapanabikan sa mga mambabasa upang patuloy na basahin ang isang akda. Dito umiiral ang pakikipaglaban, pakikipag-away, at pakikipagtunggali ng mga tauhan sa isang akda. Narito ang mga uri ng tunggalian sa mga akadang pampanitikan.

Tao laban sa Tao

Tunggalian kung saan ang tao ay kalaban ang kapwa n’ya. Maaaring ang bida laban sa kontrabida. Ang bida laban sa iba pang tauhan sa akda. Ito ang pinakaginagamit na tunggalian sa mga akdang pampanitikan.

Tao laban sa Sarili

Ito ay uri ng tunggalian ng tao laban sa kanyang sarili. Masasalamin dito ang dalawang magkasalungat na hangad o pananaw ng isang tao. Pagdadalawang isip ng tauhan sa mga aksyon o desisyon na kanyang gagawin.

Tao laban sa Lipunan

Kalaban ng tao ang lipunang kanyang ginagalawan tulad ng kahirapan, kawalan ng katarungan, korapsyon at iba pang mga suliraning panlipunan. Maaaring ang tauhan ay tumutuligsa sa sitwasyong kanyang kinalalagyan.

Tao laban Kalikasan

Ang tunggaliang ito ay tumutukoy sa tao laban sa mga elemento at puwersa ng kalikasan. Ito ay maaaring ulan, init, lamig, bagyo, lindol, pagsabog ng bulkan, at iba pa. Sa lahat ng tunggalian ito ang mahirap iwasan o talunin ng isang tauhan.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *