Ano ang mga Uri ng Maikling Kuwento?


1. Kuwento ng tauhan: nilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.

2. Kuwentong Katutubong Kulay: binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.

3. Kuwentong Sikolohiko: ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.

4. Kuwento ng Katatakutan: ito ay mga pangyayaring kasindak-sindak.

5. Kuwentong bayan: nilalahad ang mga kuwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.

6. Kuwento ng Kababalaghan: pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.

7. Madulang Pangyayari: binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.

8. Kuwentong Pakikipagsapalarang: nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kuwento.

9. kuwento ng katatawanan: nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa.

10.Kuwento ng pag-ibig: tungkol sa pag-iibigan ng dalawang tao

11. Kuwentong Makabanghay: Isang uri ng maikling kuwentong nagbibigay diin sa mahusay na pagkakaayos o pagkakasunod-sunod ng banghay o balangkas.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *