Maikling Kuwentong Makabanghay mula sa Thailand
Isinulat ni Vilas Manwat
Isinalin sa Filipino ni Lualhati Bautista
Pangunahing Tauhan:
Nai Phan: kilalang tao sa kanilang lugar dahil sa angking kabutihan, isang mahinahong tao, hindi mapagtanim ng sama ng loob.
Binatang Estranghero/ Holdaper: isang taong may pangangailangan, ang taong nagbago ng pananaw sa buhay nang makilala si Nai Phan.
Tagpuan: Tahanan/Tindahan ni Nai Phan
Banghay:
Simula: Ipinakilala si Nai Phan bilang isang taong matulungin sa kanyang kapwa. Inilarawan ang sitwasyon o kalagayan niya sa buhay at ang mga tao sa kanyang paligid. Inilarawan rin ang tagpuan sa kwento kung saan siya naninirahan.
Gitna: Mayroong isang estrangherong dumating sa kanyang tahanan na nais kunin ang lahat ng kanyang salapi. Bukas loob na ibibigay ni Nai Phan ang anumang meron siya hindi lamang siya saktan ng binata. Sa kabila ng kanyang hindi magandang kinalalagyan nagawa pa ring unawain ni Nai Phan ang kalagayan ng binata.
Wakas: Dahil sa kabutihang ipinakita ni Nai Phan nagbago ang isip ng binata, ibinigay niya rito ang kanyang rebolber at sinabing hindi na niya ito kailangan sapagkat nagdesisyon na siya’y magbabagong buhay.
Layunin ng Pangunahing Tauhan: Imulat ang binata sa sitwasyong kanyang kinalalagyan. Ipaalala sa binata na hindi sa salapi umiikot ang mundo. Ang tao ay nabubuhay upang tumulong sa kanyang pamilya at sa kapwa niya. Ang pagiging mabuting tao sa iyong kapwa ay maaaring magdulot ng pagbabago.
Mensahe ng Akda: Pinatunayan lamang ng pangunahing tauhan na hindi salapi ang pinakamahalaga sa tao kundi ang kanyang buhay. Ipinakita sa akda na hindi kailangan ng isang taong maging sobrang yaman upang makatulong sa kanyang kapwa kung may kaya kang ibahagi sa iba, ibahagi mo ito sa kanila. Mas masarap mabuhay sa mundo nang walang galit o poot sa kapwa mas mahalagang mabuhay tayong mayroong pag-unawa, pagmamalasakit at pag-asa.
Basahin ang Buong Akda: