Tatlong Paraan ng Pagbigkas ng Talumpati
1. Biglaang Talumpati (Impromptu)-Ito ay ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda. Nakasalalay sa mahalagang impormasyong kailangan ng iyong tagapakinig ang susi ng katagumpayan nito.
2. Manuskrito-Ito ay ginagamit sa mga kumbensiyon, seminar, at programa sa pagsasaliksik kayâ pinag-aaralan itong mabuti at dapat na nasusulat. Ang nagsasalita ay nakadarama ng pagtitiwala sa sarili sapagkat naisasaayos niya nang mabuti ang kanyang sasabihin. Kailangan ang matagal na panahon sa paghahanda ng talumpati sapagkat ito ay itinatala. Limitado rin ang oportunidad ng tagpagsalitang maiangkop ang kanyang sarili sa okasyon. Karaniwan din ay nawawala ang pakikipag-ugnayan ng tagapagsalita sa kanyang tagapakinig dahil sa pagbabasa ng manuskritong ginawa.
3. Isinaulong Talumpati-Ito ay kombinasyon ng manuskritong ginawa. May oportunidad na magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa tagapakinig sapagkat hindi binabasa ang ginawang manuskrito kundi sinaulo at binibigkas ng tagapagsalita. Ang isang kahinaan ng ganitong talumpati ay pagkalimot sa nilalaman ng manuskritong ginawa.
Ilang Pamantayan sa Pagbigkas ng Talumpati
Sa layuning mapabuti ang pagbibigay-kahulugan sa mga talumpati, may ilang pamantayang kailangang sundin upang mapalutang ang tunay na kahulugan nito.
Ang mga mungkahing pamantayan sa ibaba ay makatutulong nang malaki sa pagtatagumpay ng isang mambibigkas. Sa pagbigkas ng talumpati, mahalagang tandaan ang pagkakaroon ng matatag na paniniwala sa sariling kakayahan o ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili. Mahalaga ring isaisip na tayo ay bumibigkasmhindi para sa ating sarili kundi para sa madlang ating pinaghahandaan nito. Sa ganitong dahilan ay nais nating antigin ang damdamin ng ating mga tagapakinig
1. Tinig at Himig-Mahalagang puhunan ng mambibigkas ang kanyang tinig. Ang tinig na ito ay buo at nanggagaling sa diapbragm.Ang himig ay dapat iayon sa tunay na diwa ng talumpati.
2. Pagbigkas-Dapat bigyan ng wastong diin ang mga salitang malumi at maragsa. Mahalagang bigkasin nang malinaw ang mga salita ayon sa wastong pagkakaputol ng pantig.
3. Tikas-Pantanghalan-Ang isang mambibigkas ay kinakailangang magtaglay ng magandang impresyon o tindig sa harap ng tanghalan. Kadalasan ang bigat ng katawan ay nása nauunang paa. Kung patag naman ang tindig, ang bigat ay nása dalawang paa.
4. Panuunan ng Paningin-Iwasan ang pagiging mailap ng paningin. Ito ay nakalilikha ng pagkalito sa tunay na dinidiwa ng talumpati. Ang labis na pagiging magalaw ng katawan o ulo nang walang motibo o wastong dahilan ay dapat ding bawasan.
5. Unawain ang Layunin ng Talumpati – Hindi nabibigyang kahulugan ang piyesang bibigkasin kung walang ganap na pagkaunawa sa tunay na diwa ng talumpati. Nagkakaroon lámang ng kaisahan ang tinig, himig, kilos, at pagkumpas kung malinaw sa kanilang isip ang tunay na nilalayon ng talumpati.
6. Kaugnayan ng Mambibigkas sa Manonood-Gaya ng ginawang paliwanag sa bandang unahan, may responsibilidad ang mambibigkas sa kanyang tagapakinig. Nagtatagumpay lámang siya sa aspektong ito kung magagawa niyang sila’y pagalawin o hikayatin. Kung malungkot ang diwa ng binibigkas ay dapat makita sa kanilang mukha ang kalungkutang ito. Kung masaya ay dapat mabakas sa kanilang mukha ang kaligayahan.
7. Pagkumpas-Ang ilang katangian ng mabuting pagkumpas ay ang sumusunod:
- maluwag at natural b. punô ng búhay at hindi matamlay
- tiyak at hindi alanganin
- nása panahon (nása tayming, wika nga)
Higit na magandang tingnan kung may koordinasyon ang paa at ang kamay sa pagkumpas. Kung kaliwang paa ang nauuna, gamitin ang kaliwang kamay.
Ang ilan sa palaging ginagamit na uri ng kumpas ay ang sumusunod:
- Kumpas na panturo-ginagamit ito sa paghamak o pagkagalit
- Kumpas na pasubaybay-naglalahad ng paglipas ng panahon