Ang pahiwatig ay nangangahulugang hindi tuwirang pagsasabi
ng kahulugan o nais ipahiwatig sa isang bahagi ng kuwento. Ito ay
mga simbolismo na ginamit sa akda. Ang mga mambabasa ang
kadalasang nakapagbibigay ng sariling interpretasyon sa mga
pahiwatig na ginamit sa akda.Nakatutulong ang pag-uugnay ng mga
detalye o impormasyon mula sa akda at imbak na kaalaman upang ito
ay maunawaan. Nakatutulong ang paggamit ng pahiwatig upang higit
na maging masining at upang maging matimpi ang isang kuwento.
Mga Halimbawa:
- “Walang maaninag na kariktan sa lugar na ito.”
- “Isa raw siyang masamang tao, kaya siya ay nagahis at
nagpantay ang paa.” - Pagod man siya, kailangan niyang sumulong. Magdahan-dahan man, hindi na siya makausad.
- Ang mga babae ay nasadlak sa pagbebenta ng laman at ang lalaki’y nakagagawa ng krimen. At ngayon, bago pa lumala ang kalagayan, sila’y nakahimlay at tahimik na naghihintay sa unos na darating.