Noli Me Tangere: Kabanata 8 Mga Alaala

Talasalitaan:

  • Arabalpurok – distrito
  • Maparam – mapawi
  • Muralya – pader
  • Nahalinhan-napalitan
  • Nakatimbuwang – nakatihaya

Pangunahing Tauhan:

  • Crisostomo , Padre Damaso

Buod ng Kabanata: Mga Alaala

Maganda ang panahon sa araw na iyon, naka sakay si Ibarra sa kalesa habang naglalakbay sa Maynila at madami ang bumalik sa kaniyang alaala habang natatanaw niya ang lugar.

Ganoon pa rin ang itsura ng lugar na kaniyang kinagisnan, ang mga kalesang tuloy-tuloy ang biyahe, masisikip na mga daang puno ng mga taong abala sa kanikaniyang sariling gawain. Matatagpuan dito ang samu’t saring lahi, may mga Europeo, Intsik, mga Pilipino. May mga nagtitinda, naghahayupan, at may mga kargador na matatanaw.

Ang puno ng talisay sa San Gabriel ay ganoon pa rin ngunit may isang hindi kaayaaya, ang Escolta ay pumangit imbes na umunlad.

Nagmamadali ang mga kalesa at karwahe patungo sa mga tanggapan dala ang mga kawani, at mga pari kabilang si Padre Damaso. Nang makita niya si Kapitan Tinong ay binati siya nito.

Nahilo siya nang maamoy ang mabahong  tabako sa kalye ng Arroceros, at naalala naman niya ang mga hardin sa Europa nang malagpasan ang hardin ng botaniko.

Sa kabuuan, ang siyudad ng Maynila ay di umunlad at ang mga gusali ay tila nabubulok lamang sa pagdaan ng panahon. Dahil dito, sumagi sa isipan ni Ibarra ang sinabi ng kanyang gurong pari.Una: Ang karunungan ay matatamo kapag hinangad ng puso. Pangalawa: Ang karunungan ay dapat linangin at isalin sa susunod na henerasyon. Pangatlo: Dapat lamang na magkaroon ng pakinabangan – kung ang mga kastila ay nanatili dito upang kuhanin ang yaman ng bansa, mara pat lamang na ibigay naman ng ban sang dayuhan ang karunungan at edukasyon.

Karagdagang Kaalaman: Alam mo ba?

Ang Matandang Maynila ay kilala rin sa pangalang Intramuros. Ang lugar na ito ay napaliligiran ng makakapal at matataas na pader na naging kuta ng mga Espanyol noong panahon ng digmaan. Sa kasalukuyan, mga labi na lamang nito ang matatagpuan dito dahil ito ay gumuho dahil sa labanan ng mga Amerikano at Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ang Escolta ay kilala noon sa pangalang Calle de la Escolta. Ito ang itinuturing na pinakamasigla at pinaka mataong daanan noon sa Maynila dahil madalas itong gawing pasyalan at tagpuan ng mga tao noon. Ang daang ito ay matatagpuan sa kanang bahagi ng Pasig.

Mensahe at Implikasyon:      

  • Ipinakita lamang sa akda na sa matagal na paglisan ni Crisostomo sa Pilipinas ay wala man lamang itong ipinagbago. Naisip niyang mabagal ang pag-unlad ng kanyang bansa hindi tulad ng bansang Europa.
  • Naalala rin ni Crisostomo ang sinabi sa kanya ng kanyang guro. Na mahalaga ang karunungan sa pag-unlad ng mga tao at sa kanilang lipunang ginagalawan.
Exit mobile version