Pamantayan ng Programa ng Baitang 1-6
Nagagamit ang wikang Filipino upang madaling maunawaan at maipaliwanag ang mga kaalaman sa araling pangnilalaman, magamit ang angkop at
wastong salita sa pagpapahayag ng sariling kaisipan, damdamin o karanasan nang may lubos na paggalang sa kultura ng nagbibigay at tumatanggap
ng mensahe.
Pamantayan ng Programa ng Baitang 7-10
Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip, at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang
teknolohiya at iba’t ibang uri ng teksto at mga akdang pampanitikang rehiyunal, pambansa, saling-akdang Asyano at pandaigdig tungo sa
pagtatamo ng kultural na literasi.
Pangunahing Pamantayan ng Bawat Yugto (Key Stage Standards)
Kindergarten – Baitang 3
Sa dulo ng Baitang 3, nakakaya ng mga mag-aaral na ipakita ang kasanayan sa pag-unawa at pagiisip sa mga narinig at nabasang teksto at ipahayag nang mabisa ang mga ibig sabihin at nadarama.
Baitang 4-6
Sa dulo ng Baitang 6, naipapakita ng mga magaaral ang sigla sa pagtuklas at pagdama sa pabigkas at pasulat na mga teksto at ipahayag nang mabisa ang mga ibig sabihin at nadarama.
Baitang 7-10
Sa dulo ng Baitang 10, naipamamalas ng magaaral ang kakayahang komunikatibo, replektibo/ mapanuring pag-iisip at pagpapahalagang
pampanitikan sa tulong ng mga akdang rehiyonal, pambansa at salintekstong Asyano at pandaigdig upang matamo ang kultural na literasi.
Baitang 11-12
Sa dulo ng Baitang 12 naipamamalas ng magaaral ang kakayahang komunikatibo, replektibo/ mapanuring pag-iisip at pagpapahalagang pampanitikan sa tulong ng iba’t ibang disiplina at teknolohiya upang magkaroon ng akademikong pag-unawa
Buong Sipi ng Gabay Pangkurikulum sa Filipino