ISANG lalaki ang matiwasay at marahang naglalakad sa kagubatan sa tanglaw ng sinag ng buwan na naglalagos sa pagitan ng mga sanga ng kahoy. Paminsa- minsan ay sumisipol siya. Nang tugunin ang kanyang sipol ng sipol ding mula sa malayo ay saglit siyang tumigil at nakinig, pagkatapos ay tinungo ang pinanggagalingan niyon.
Sa wakas, pagkaraan ng di mabilang na sagabal na karaniwang natatagpuan sa basal ng gubat kung gabi ay sinapit niya ang isang palanas na naliligo sa sinag ng pingot na buwan. Malalaking bato na may tumutubong mga kahoy sa tuktok ang nakapaligid sa pook na iyon na mistulang isang tanghalang walang bubong. Sa gitna ay naroroon ang mga buwal na punongkahoy, mga sunog na kahoy, malalaking bato, at halos kalahati lamang ang nalalatagan ng luntiang damo at halaman.
Kararating-dating pa lamang niya roon ay isang lalaki ang biglang sumulpot mula sa likod ng isang malaking bato at lumapit sa kanya. May hawak itong baril.
“Sino ka?” tanong ito sabay kasa sab aril.
“Kasama mob a si Pablo?” tugong patanong din ng bagong dating na hindi man lamang kinabakasan ng takot.
“Ang tinutukoy mo si komander?
OO, naririto!”
“Kung gayon ay sabihin mong hinahanap siya ni Elias.”
“Ikaw ba si Elias?” tanong ng dinatnan na sa tinig ay halata ang paggalang. Lumapit ito at ibinaba ang baril. “Kung gayon ay tayo na.”
Sumunod sa kanya si Elias.
Pumasok sila sa isan yungib na patungo sa ilalim ng lupa. Ang lalaking nangunguna na siyang ganap na nakakaalam ng daan ay palaging nagpapaalala kay Elias kung kalian yuyuko o gagapang sa makipot na lagusan. Hindi nagtagal at sinapit nila ang isang parang bulwagan na bahagyang natatanglawan ng mga sulo. Dinatnan nila roon ang may labindalawa o labinlimang lalaking marusing ang mukha at damit. Ilan sa kanila ang nakaupo at ang iba ay nakahiga at bahagya nang mag-usap.
Isang malungkot na matandang lalaking may duguang benda sa ulo, nakaupo at nakatukod ang siko sa batong hapag ang parang nangangarap nang gising na nakatingn sa liwanag ng sulo. Tigib hapis ang kanyang anyo. Maipagkakamalisiya kay Ugolino ni Dante, ang taksil na konde ng Pisa, na ikinulong sa tore na kasama ng dalawa niyang anak na lalaki at dalawang apong lalaki rin upang patayin sa gutom.
Nang pumasok si Elias ay bahagyang nagsitayo ang mga dinatnan ngunit sinenyasan sila ng bantay na wala silang dapat ipangamba. Dahil ditto ay nagkasiya na lamang silang tumingin sa walang armas na bangkero.
Marahang nilinga ng matandang lalaki si Elias na nakatitig din sa kanya.
“Ikaw nga, hindi ba?” tanong ng matandang biglang sumigla nang makilala ang binate.
“Kailanman ay hindi ko inakalang madaratnan kayo nang gganito,” bulong ni Elias na iiling-iling.
Tumango-tango ang matanda at sinenyasan ang kanyang mga tauhan. Nagsitayo ang mga lalaki at lumayo nang sinusukat ng kanilang tingin ang taas at lakas ni Elias.
“Totoo,” wika ng matanda kay Elias nang mapag-isa na sila. “Anim na buwan na ang nakalilipas, nang patuluyin kita sa aming bahay. Ako pa ang naawa sa iyo noon. Ngayon ay nagbago ang takbo ng atng buhay. Ikaw ngayon ang nahahabag sa akin. Ngunit maupo ka. Sabihin mo sa akin kung bakit ka napunta rito.”
“Nabalitaan ko ang masamang kapalaran sinapit ninyo may labinlimang araw na ang nakaraan. Lumakad agada ko at hinanap kayo sa lahat halos ng bundok. Hinanap ko kayo sa halos dalawang lalawigan.”
“Kinakailangang tumakas ako upang maiwasan ang pagdanak ng dugo ng walang kasalanan. Takot makipagharap sa akin ang aking mga kaaway. Ang mga pinalalaban sa akin ay yaong mga taong wala namang nagawang anumang pinsala sa akin.”
Pagkatapos manahimik nang ilang saglit na waring binabasa sa malungkot na mukha ng matanda ang iniisip nito ay nagwika si Elias:
“Naparito ako para sabihin sa iyo ang isang balak. Nabigo ako sa paghahanap sa nalalabing kaanak ng pamilyang nagging sanhi ng kasawian ng aking angkan. Ngayon ay ipinasiya kong lumipat sa Norte at makipanirahan sa piling tribo ng mga hindi binyagan. Maari bang magbagong-buhay na kayo at sumama sa akin? Magsisilbing anak ninyo ako yamang nawala nang lahat ang inyong minamahal. Ako, na wala na ring pamilya, ay magtuturing sa inyo bilang isang ama.”
Umiling ang matanda at saka nangusap:
“Sa gulang kong ito, ang mararahas na hakbang ay ginagawa lamang sapagkat wala nang ibang mapamimilihan. Ang isang taong tulad ko, na ginugol ang buong kabataan at panahon para sa kapakanan ng sarili at sa kkinabukasan ng kanyang mga anak, sumailalim ng kagustuhan ng mga pinaglilingkuran upang mabuhay nang payapa upang mabuhaynang payapa at tahimik—kung ang dugo ay pinalamig na ng katandaan, tumalikod na sa lahat ng kanyang nakaraan at ang kinabukasan ay nasa bingit na lamag ng hukay—ay makagagawa ng pangwakas na kapasiyahang walang tunay nna kapayapaan at walang sukdulang kabutihan.
“Bakit kailangang mamuhay nang kahabag- habag sa ibang lupain? May dalawa akong anak na lalaki, isang anak na babae, tahanan, sariling slapi; iginagalang ako at pinagpipitaganan. Ngayon ay tila ako isang punongkahoyna naputulan ng mga sanga; isang takas, hinahanap na tulad ng isang hayop sa gubat. Bakit? Sapagkat isang lalaki ang lumapastangan sa anak kong dalaga, sapagkat sinita siya ng mga anak kong lalaki upang papanagutin sa ginawaang kalapastanganan, at sapagkat ang taong yaon ay nakahihigit sa iba dahil titulong ministro ng Diyos. Dahil sa lahat ng yaon, akong ama, na napunyagan ng karangalan sa aking katandaan, ay nagpatawad. Nagging mapagbigay sa silakbo ng kabataan at karupukan ng laman. Ano ang magagawa ko sa harap ng di na mabubuo pang kapinsalaan maliban sa manahimik at ikasiya na amang ang mga nalalabi?”
“Subalit ang lapastangang taong yaon ay natakot na paghigantihan kaya’t hinangad niyang was akin ang dalawa kong anak na lalaki. Alam moba kung ano ang kanyang ginawa? Pinalabas na kunwa ay ninakawan ang kumbento at isa sa mga anak kong lalaki ang pinagbintangan. Hindi maisangkot ang isa ko pang anak na lalaki sapagkat nasa ibang bayan noon. Alam mo naman kung paano siya pinahirapan sapagkat pare-pareho ang pahirap sa lahat ng lugar. Nakita kong nakabitin ang aking anak sa pamamagitan ng kanyang buhok. Naririnig ko ang kanyang sigaw. Tinatawag niya ako . . .At ako, dahil sa karuwagan at paghahangad ng kapayapaan . . . na takot pumatay at mapatay . . .ay walang ginawa.”
“Hindi napatunayan ang nakawan. Nabulgar angg pakana. Naparusahan ang kura sa pamamagitan ng pagdedestino sa ibang bayan. Ngunit ang anak ko ay namatay dahil sa tinamong sobrang pahirap. Ang isa ko pang anak na lalaki ay hindi kasinduwag ng kanyang ama, at natatakot ang mga tampalasan na ipaghiganti niya ang kamatayan ng kanyang kapatid. Kaya’t isang bintang na walang dalang sedula ay hinuli ng mga guardia civil. Binugbog at isinailalim sa labis na pahirap hanggang sa maisipang magpakamatay!”
“Natiis ko ang lahat ng kahihiyang ito! Hindi man ako nagkaroon ng apang na ipagtanggol ko noon ang aking mga anak ay maari ko pa naman silang ipaghiganti . . . at ito ay gagawin ko! Marami akong tauhang mga api rin . . . at mismong ang mga kaaway ko ang nagtataboy sa akin ng mga karagdagang bagong tauhan. Sa sandaling mmatiyak kong may sapat na akong lakas ay bababa ako mula sa kabundukan. Sisilaban ko ng apoy ang aking pagihiganti kahit mangahulugan ng aking kamatayan. Darating ang araw na iyon . . . isinusumpa ko sa Diyos!”
Nangingitngit na biglang tumayo ang matanda.
“Ako at walang iba,” pasigaw niyang wika, “ang nagtulak sa aking mga anak sa kanilang kamatayan. Kung pinayagan ko lamang silang patayin nila ang tampalasan, kung hindi lamang ako ganap na nanalig sa katarungan ng tao at Diyos, disin sana ay buhay pa at kasama ko ngayoon ang dalawa kong anak na lalai. Magiging mga takas pa rin kami . . . Oo . . . ngunit nasa piling ko sana sila at hindi sila namatay sa pahirap. Hindi ako isinlang para maging ama, kaya naman anwala sila sa akin. Sa maraming taong dinaanan ay hindi ko maunawaan ang daigdig na aking ginagalawan. Ngunit malalaman ko kung paano ko sila ipaghihiganti sa pamamagitan ng apoy at dugo at ng sarili kong kamatayan.”
Dahil sa pagngingitngit ay marahas na tinanggal ng matanda ang benda sa kanyang ulo. Bumukang mmuli ang sugat sa kanyang noo at bumulwak ang dugo.
“Iginagalang ko ang inyong kalungkutan,’ tugon ni Elias, “at nauunawaan ko rin ang hangarin ninyong maghiganti. Ako man ay nasa kalagayang tulad din ninyo . . . ngunit dahil sa pangambang maksakit ako sa mga walang kasalanan ay minabuti kong limutin na lamang ang aking kasawiang- palad.”
“Magagawa mong lumimot sapagkat bata kapa . . . at sa pagkat hindi ka nawalan ng kahit isang anak o ng huling pag-asa. Ngunit titiyakin ko sa iiyo, hindi ko sasaktan ang mga walang kasalanan. Nakikita mo ba ang sugat na ito? Minabuti o pang tanggapin ito kaysa patayin ang isang pulis na gumaganap lamang ng kanyang tungkulin.”
“Subalit isipin ninyo . . ,” ani Elias pagkaraan ng saglit na pananahimik. “Isipin ninyo ang malagim na ibubunga sa ating kahabag-habag na bayan ng binabalak ninyong gawin . kung ilalagay ninyo sa inyong mga kamay ang paghihiganti, tiyak na gagawa ng marahas nag ganting-hakbang ang inyong mga kaaway . . . Hindi laban sa inyo . . . hindi laban sa mga nasandatahan kundi sa karaniwang mga mamamayan na lagi’t lagi nilang pinagbubuntungan ng sisi. At sa gayon, ilang kawalang-katarungan ang magaganap!”
“Bayaan nating matutuhan ng mamamayan ang pagtatanggol sa kanilang sarili! Bayan nating bawat isa ay magtanggol sa sarili niya!”
“Alam ninyong imposible iyan. Nakilala ko po kayo noong kayo ay maligaya pa. noon ay pinayuhan pa ninyo ako. Ngayon, maari po bang ako naman ang magpayo?”
Hindi kumibo ang matanda at wari’y handing making.
“Ginoo,” patuloy ni Elias na waring sinusukat ang bawat salitang bibigkasin. “Nagkaroon po ako ng kapalarang makapaglingkod sa isang mayamang binatang may mabuting kalooban, isang marangal na lalaking naghahangad nang mabuti para sa kanyang bayan. Balitang-balita na marami siyang kaibigan sa Madrid. Hindi ko lamang mmatiyak kung totoo o hindi. Pero ang natitiyak ko ay kaibigan siya ng gobernadora-heneral. Bakit hindi natin siya akitin para sa kapakanan ng mga api at gawin nating tagapagsalita para sa hinaing ng mga mamamayan?”
Umiling ang matandang lalaki.
“Sabi mo ay mayaman siya? Ang mayaman ay walang ibang iniisip kundi lalong makapagpayaman. Binulag sila ng kanilang katayuan sa buhay. At yamang nakaririwasa, lalo na kung may makapangyarihan silang mga kaibigan, ay wala isa man sa kanilang mag- abala para sa kapakanan ng mga kahabag-habag. Alam ko iyan sapagkat naging mayaman na rin ako.”
“Subalit ang binatang sinasabi ko ay hindi katulad ng iba. Nilapastangan ang alaala ng kanyang ama, at yamang hindi magtatagal at magkakaroon siya ng sariling pamilya, kaya’t iniisip din niya ang kinabukasan . . . isang magandang kinabukasan para sa kanyang mga anak.”
“Sa gayon ay magiging maligaya siya . . . at ang layunin naming ay hindi para sa maliligayang tao.”
“Ngunit ang layuning ito ay para sa mga taong may mabubuting puso.”
“Bweno,” tugon ng matanda at saka umupo. “Halimbawang pumayag siyang maging tagapagsalita natinsa gobernador-heneral . . . halimbawang may kaibigan siya sa Cortes sa Madrid na siyang magdudulog ng ating mga karaingan . . . sa palagay mo kaya ay mabibigyan nila tayo ng katarungan?”
“Subukin po muna natin bago tayo gumawa ng karahasan,” tugon ni Elias “Ipagtataka ninyo na akong higit na sawimpalad kaysa iba, ngunit bata pa at malakas, ay magmumungkahi ng mapayapang mga hakbang sa inyo na matanda na at mahina. Ito po ay dahil sa marami na akong nasaksihang paghihirap . . na hindi lamang kagagawan ng mga mapang-api kundi natin narin. Laging ang nagbabayad ay ang mga hindi sandatahan.”
“At kung walang mangyari?”
“Manalig po kayo sa akin. Tiyak na may mangyayari. Hindi naman po lahat ng namamahala ay masama. At sakali walang mangyari . . kung magbibingi-bingihan sila sa ating mga daing . . . kung ipagwawalang-bahala nila ang paghihirap ng mga mamamayan . . . gawin napo ninyo ang ibig ninyong gawin at susunod ako.”
Nasisiyahang tumayo ang matandang lalaki at niyakap si Elias.
“Tinatanggap ko ang iyong panukala. Alam kong marunong kang tumupad sa iyong salita. Sasama ka sa akin at tutulungan kitang ipaghiganti ang iyong mga ninuno. At tutulungan mo akong ipaghiganti ang aking mga anak. Sila ay walang ipinagkaiba sa iyo!”
“At pansamantala po muna ninyong iiwasan ang kaeahasan?”
“Ipaliliwanag mo ang karaingan ng mga mamamayan. Alam mona ang mga yaon. Kalian ko malalaman ang sagot?”
“pagkaraan ng apat na araw ay magpadala kayo ng isang tauhan para katagpuin ako sa dalampasigan ng San Diego. Doon ay sasabihin ko sa kanya ang sagot ng taong pinagsasalalayan ko ng aking mga pag-asa. Pag tinanggap niya ay magkakaroon tayo ng katarungan. Kapag hindi, ako ang unang magbubuwis ng buhay sa sisimulan nating pakikipaglaban.”
“Hindi mamamatay si Elias. Kapag napatay si Kapitan Pablo nang maligaya sa kanyang paghihiganti ay si Eliasang papalit na mamumuno!” bulalas ng matanda at inakay si Elias na palabas sa yungib.